“SI KRISTO AY NABUHAY!” (Marso 31, 2018)

Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B - Puti) PANIMULA: Ang banal na gabing ito ang pinakatampok na pagdiriwang sa buong taon. Natitipon tayo ngayon upang ipagdiwang ang kaganapan ng ating kaligtasang bunga ng Muling Pagkabuhay ni Kristong Panginoon. Sa unang bahagi ay gagawin ang Pagbabasbas at Pagsisindi sa Kandila ng Pasko ng Pagkabuhay. … Continue reading “SI KRISTO AY NABUHAY!” (Marso 31, 2018)

“BANAL NA KRUS: TRONO NG MAHABAGING DIYOS” (Marso 30, 2018)

Biyernes Santo (B - Pula) PANIMULA: Natitipon tayo para ipagdiwang ang Pagpapakasakit ng ating Panginoon. Tinanggap ni Jesus ang kamatayan sa krus upang damayan tayo sa ating mga paghihirap bilang mga nilalang. Gayunpaman, naniniwala tayo na ang kanyang kamatayan ang siyang maghahatid sa kanya sa tagumpay, at panibagong buhay naman para sa atin. lnaanyayahan tayo … Continue reading “BANAL NA KRUS: TRONO NG MAHABAGING DIYOS” (Marso 30, 2018)

“HARING PINAGPUGAYAN AT PAGKATAPOS AY IPINAKO SA KRUS” (Marso 25, 2018)

Linggo ng Palaspas (Domingo de Ramos) / Alay Kapwa (B - Pula) ANTIPONA (Mateo 21:9) Osana ang aming awit, Dakilang Anak ni David. Sa ngalan ng Diyos sa langit pagpapala ang pagsapit ng pagtubos sa daigdig. PAUNANG SALITA Mga minamahal na kapatid, limang linggo na tayong naghahanda ng sarili para sa pagdiriwang ng Pasko ng … Continue reading “HARING PINAGPUGAYAN AT PAGKATAPOS AY IPINAKO SA KRUS” (Marso 25, 2018)

“SA KAHARIAN NG DIYOS” (Enero 21, 2018)

Kapistahan ng Santo Nino (B - Puti) ANTIPONA: (Isaias 9:6) Batang sa ati'y sumilang ay anak na ibinigay upang magharing lubusin, taglay ang dakilang ngalang Tagapayo ng Maykapal. PAUNANG SALITA Pinagninilayan natin sa kapistahan ng Sto. Nino ang hiwaga ng kapanganakan at pagiging sanggol ni Jesus. Ipinaaalala sa atin ng ebanghelyo na sa kabila ng … Continue reading “SA KAHARIAN NG DIYOS” (Enero 21, 2018)

“ANG TUNAY AT TAMANG HALAGA NG ISANG PAROL” (Enero 7, 2018)

Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon (B - Puti) ANTIPONA: (Malakias 3:1; 1 Kronica 19:12) Narito at dumarating ang Poong Diyos Hari natin. Paghaharing walang maliw, kapangyarihang magiliw ay lagi niyang tataglayin. PAUNANG SALITA Ipinagdiriwang natin ang Epipanya o Pagpapakita ng Panginoon sa lahat ng mga bansa. Ang pagsilang ni Jesus ay hindi lamang para … Continue reading “ANG TUNAY AT TAMANG HALAGA NG ISANG PAROL” (Enero 7, 2018)

“MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!” (Disyembre 25, 2017)

Pagmimisa sa Araw ng Pasko ng Pagsilang (B - Puti) ANTIPONA: (Isaias 9:6) Batang sa ati'y sumilang ay anak nna ibinigay upang magharing lubusan taglay ang dakilang ngalang Tagapayo ng Maykapal. PAUNANG SALITA: Isang pinagpalang Pasko sa inyong lahat! Sa araw na ito, buong puso tayong nagpapasalamat sa Diyos para sa pinakadakilang handog niya sa … Continue reading “MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!” (Disyembre 25, 2017)

“KAPAYAKAN AT KAGALAKAN NG UNANG PASKO” (Disyembre 25, 2017)

Hatinggabi ng Pasko ng Pagsilang (B - Puti) ANTIPONA: (Salmo 2:7) Sabi sa akin ng Poon, "Isinilang kita ngayon, anak ko, habang panahon paghahari'y sa'yo ukol ng lubos kong pagsang-ayon." PAUNANG SALITA: Ito ang gabi ng kapayapaan at kagalakan. Halina't ating sambahin si Jesus, ang ating Emmanuel, ang Diyos-na-sumasaatin sa pagdiriwang natin ng Eukaristiya ng … Continue reading “KAPAYAKAN AT KAGALAKAN NG UNANG PASKO” (Disyembre 25, 2017)

“KUNG SAAN KA NAHIHIRAPAN, NAROROON ANG DIYOS” (Disyembre 20, 2017)

Misa de Gallo (B - Puti) ANTIPONA: (Isaias 11:1; 40:5; Lucas 3:6) Isang supling ang sisilang mula kay Jesse lilitaw. Kaningningan ng Maykapal sa lupa'y mangingibabaw at maliligtas ang tanan. PAUNANG SALITA: Ginugunita ngayon ang pagpapahayag ng anghel kay Maria, hudyat ng simula ng buhay ni Jesus, ang Diyos-na-naging-tao. Ang Misa sa araw na ito … Continue reading “KUNG SAAN KA NAHIHIRAPAN, NAROROON ANG DIYOS” (Disyembre 20, 2017)

“LIWANAG SA KARIMLAN NG GABI” (Disyembre 16, 2017)

Misa de Gallo (B - Puti) ANTIPONA: (Zacarias 14:5-7) Ang Panginoo'y darating kasama ng mga anghel. Kailan ma'y di magdidilim pagkat laging magniningning ang liwanag niya sa atin. PAUNANG SALITA: Sinisimulan ngayon ng Sankristyanuhang Filipino ang masayang tradisyon ng Simbang Gabi. Siyam na buwan sa sinapupunan ni Maria si Jesus bago iniluwal sa sabsaban sa … Continue reading “LIWANAG SA KARIMLAN NG GABI” (Disyembre 16, 2017)

“GALAK AT LIWANAG” (Disyembre 17, 2017)

Ika-3 Linggo ng Adbyento (B - Lila/Rosas) ANTIPONA: (Filipos 4:4-5) Magalak nang palagian sa Poon nating marangal. Darating ang hinihintay, ating pinanabikan Panginoon nating mahal. PAUNANG SALITA: Ang Ikatlong Linggo ng Adbyento ay Linggo ng Gaudete, o Linggo ng pagsasaya at pagbubunyi. Habang papalapit ang Kapaskuhan, inaanyayahan tayong magsaya sapagkat nababanaag na ang pagsilang ng … Continue reading “GALAK AT LIWANAG” (Disyembre 17, 2017)