ISINILANG NGAYON ANG ISANG PROPETA SA PUSO MO (Hunyo 24, 2018)

Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni Juan Bautista (B – Puti)

ANTIPONA (Juan 12:6-7; Lucas 1:17)

Ang dakilang San Juan sugo ng Poong Maykapal, saksi sa kaliwanangan upang maging handang tunay para kay Kristo ang tanan.

PAUNANG SALITA

Ipinagdiriwang ng lahat ng mga Kristoyano ang Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista. Malaki ang ginampanang papel ni San Juan Bautista sa kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos sa tao. Si Juan Bautiata ang naging sugo at naghayag ng pagdating ng manunubos. Hindi siya nagmalabis sa kanyang tungkulin at nilinaw niyang may darating na higit na dakila kaysa kanya, at hindi siya karapat-dapat magkalag man lamang sa panyapak nito. Tularan natin ang kababaang-loob ni Juan Bautista na walang itinampok sa kanyang buhay maliban kay Hesus.

UNANG PAGBASA (Isaias 49:1-6)

MAKATUWIRANG PALIWANAG: Nagpropesiya si Isaias sa pagdating ng isang lingkod na magiging tanglaw ng mga bansa “upang lahat sa daigdig ay maligtas.”

MAKINIG kayo mga taong naninirahan sa malalayong lugar. Pinili na ako ng Panginoon bago pa isilang at hinirang niya ako para siya’y paglingkuran. Mga salita ko’y ginawa niyang sintalas ng tabak, siya ang sa aki’y laging nag-iingat. Ginawa niya akong parang maalis na palaso na anumang oras ay handang itudla. Sinabi niya sa akin “lsrael, ikaw ay lingkod ko, sa pamamagitan mo ako’y dadakilain ng mga tao.” Ngunit ang tugon ko.”Ako ay nabigo sa aking pagsisikap. hindi nagtagumpay gayong ibinuhos ko ang aking lakas.” Gayunma’y itinitiwala ko sa Panginoon ang aking kalagayan. na ako’y gagantimpalaan sa aking nakayanan.

Bago pa ako ipanganak ay hinirang na ng Panginoon, pinili niya ako pata maging lingkod niya upang tipunin ang nangalat na mga lsraelita. at sila’y ibalik sa bayang Israel. Binigyan ako ng Panginoon ng karangalan, sa kanya nagbubuhat ang aking karangalan. Sinabi ng Panginoon sa akin: “Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipagagawa sa iyo. Bukod sa pagpapanumbalik sa mga lsraelitang nalabi ay gagawin kitang tanglaw ng mga tama upang lahat sa daigdig ay maligtas.”

SALMONG TUGUNAN (Salmo 138:1-3, 13-14ab, 14k-15)

T – Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha mo.

1. Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
ang lahat kong lihim, Poon, ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.
Ako’y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman. (T)

2. Ang anumang aking sangkap, ikaw o Diyos ang lumikha,
sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,
ang lahat ng gawain mo ay kahang-hangang tunay. (T)

3. Lahat ito’y nakikintal, sa puso ko at loobin.
ang huto ko sa katawan noong iyon ay hugisin,
sa loob ng bahay-bata doo’y iyong napapansin;
lumalaki ako roong sa iyo’y di nalilihim. (T)

IKALAWANG PAGBASA (Gawa 13:22-26)

MAKATUWIRANG PALIWANAG: Kinilala ni Apostol Pablo ang malahagang papel ni Juan Bautista sa plano ng pagliligtas ng Diyos sa tao. Si Juan ang nngaral, humimok sa mg tao para magsisi, at nagbinyag sa Tubig. Ipinakilla ni Juan si Hesus bilang Kristo, ang darating na kasunod niya.

NOONG mga araw na iyon, sinabi ni Pablo. “Nang si Saulo’y alisin ng Diyos, inihalili si David upang maghari sa ating mga ninuno. At ganito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanya, ‘Natagpuan ko kay David na anak ni Jesse ang lalaking nakalulugod sa akin. isang lalaking handang tumupad sa lahat ng iniuutos ko.’ Mula sa angkan ng lalaking ito ipinagkaloob sa lsrael si Jesus, ang kanyang ipinangakong Tagapagligtas. Bago siya dumating, ipinangaral ni Juan sa buong lsrael na dapat nilang pagsisiha’t talikdan ang kanilang mga kasalanan, at pabinyag. Nang matapos na ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Sino ba ako sa akala ninyo? Hindi ako ang Kristo. Ngunit siya’y darating na kasunod ko. At hindi ako karapat-dapat kahit tagaalis ng panyapak.’

“Mga kapatid kong mula sa lahi ni Abraham, at mga taong may takot sa Diyos: tayo ang pinadalhan ng balitang ito tungkol sa kaligtasan.”

ALELUYA (Lukas 1:76)

B – Aleluya, aleluya.

Ikaw, Juan, ay propeta, sinugo upang manguna sa Manunubos ng sala.

B – Aleluya, aleluya.

MABUTING BALITA (Lukas 1:57-66, 80)

DUMATING ang oras ng panganganak ni Elisabet, at nagluwal siya ng isang sanggol na lalaki. Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya’y pinagpala ng Panginoon. at nakigalak sila sa kanya.

Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipangangalan sa kanya—gaya na kanyang ama—ngunit sinabi ng kanyang ina. Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.” “Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan,” wika nila. Kaya’t hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: “Juan ang kanyang pangalan.” At namangha silang lahat. Pagdaka’y nakapagsalita siya, at nagpuri sa Diyos. Natakot ang lahat ng kanilang kapitbahay, anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at ang kanilang tanong: Magiging ano kayo ang batang ito?” Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon.

Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya’y tumira sa ilang hanggang sa araw na magpakilala siya sa lsrael.

PAGNINILAY

Ang dami nating binyagang Katoliko sa buong mundo. Subalit sino-sino sa atin ang kapag nagsalita ay talagang pinakikinggan dahil may taglay siyang kapangyarihan? Sino-sino sa atin ang namumuhay nang salungat sa iba dahil hangad nating magpatotoo sa aling paniniwala? Sa madaling sabi, sino-sino sa atin ang ginagampanan ang kanyang pagiging propeta sa ating makabagong panahon, misyong tinanggap natin noong tayo’y binyagan bilang pakikilahok sa pagka-propeta ng Panginoong Hesus? Sa binyag, pinahiran tayo ng banal na langis at itinalagang maging mga propeta tulad ni Hesus.

lpinagdiriwang natin ngayon ang kapanganakan ng isang dakilang propeta: si San Juan Bautista. ltinuturing siya na pinakahuling propeta bago dumating ang Mesiyas—ang Panginoong Hesus. Taglay niya ang diwa ni Propeta Elias na pinaniniwalaang babalik bago dumating ang Mesiyas. Nag-aapoy na mga salita ni Juan. Tagos sa puso ang mga aral niyang binitiwan at ipinahayag niya at maraming mga tao ang natamaan. Marami sa kanila ay mga nasa kapangyarihan. Di mabilang ang tumugon at nagpabinyag sa kanya bilang tanda ng pagsisisi. Pero marami rin sa mga tinamaan ang hindi nagustuhan ang akala nilang pakikialam niya sa kanilang buhay at pinabilanggo siya at kinalaunan ay ipinapatay ni Herodes Antipas.

Ang buhay ni San Juan Bautista bilang propeta ay patikim ng magiging buhay din ng Panginoong Hesus. Si Hesus ang talagang Propeta na sugo ng Diyos. Bilang propeta walang takot niyang ipinahayag ang katotohanan. May mga nasagasaan din siyang malalaking tao na hindi nagustuhan ang kanyang ginagawa. Tulad din siya ni Juan Bautista—at higit pa. Hindi apektado si Hesus ng kanilang mga banta. Pinatunayan niyang isa siyang propeta sa kanyang tapang na harapin maging ang krus. Sa krus nagtagumpay siya bilang isang tunay na propetang may paninindigan. Hindi niya ipinagpalit o ikinompromiso ang katubusan at kaligtasan ng sangkatauhan.

Kailangan pa rin natin ng mga propeta magpahanggang ngayon. Ang bawat Kristiyano ay dapat maging makabagong propeta. Unang tungkulin natin ang magpayahag ng katotohanang mula sa Diyos. Ang salita ng Diyos ang siya nawang bukang-bibig natin. Tagapagsalita tayo ng Diyos. Hatid natin ang mensahe ng pag-asa at pag-ibig ng Diyos. Gayundin naman, nagsisilbi tayong konsiyensya ng bayan. Ipinahahayag natin ang tama at totoo lamang. Kinokondena natin ang mali. Bilang mga propeta hindi lang din naman tayo puro salita lamang. Nakikita sa ating gawa ang ating ipinahahayag at ipinangangaral. Walang maisusumbat ang iba sa atin dahil isinasabuhay natin ang ating itinuturo. Hindi nakikita sa atin ang ating isinusumbat na katiwalian. May kapangyarihan ang ating salita dahil nasasalamin ito sa ating gawa. Panghuli, bilang propeta handa tayong magdusa alang-alang sa tama, totoo, at mabuti. Hindi tayo takot sa banta at pag-uusig Malagay man sa alanganin ang ating katanyagan, hindi natin alintana. Hindi mahalaga ang pagsang- ayon ng iba. Mahalaga sa atin na umaayon tayo sa kalooban ng Diyos.

Naghahanap ang daigdig ng mga makabagong propeta. Makatagpo nawa ang daigdig ng mga makabagong propeta sa iyo at sa akin. Sa ating pagdiriwang ng kapanganakan ni San Juan Bautista, isilang nawa ngayon sa puso natin ang isang propeta. Maging propeta tayo ng Diyos sa ating panahon.

ANTIPONA SA KOMUNYON (Lucas 1:78)

Ang Poong Diyos nating mahal ay mahabaging lubsan kaya’t bubukang liwayway sa atin sa sanlibutan araw ng kaligtasan.

Please like our Facebook page for weekly Mass readings and other Catholic based topics: https://www.facebook.com/The-Catholic-Gospel-Digest-800392180139908/

The Mass Readings are taken from Awit at Papuri Communications (www.awitatpapuri.com) and Reflections by Fr. Rey Anthnoy I. Yatco is taken from the June 24th, 2018 edition of Sambuhay Missalette, printed in the Philippines by St. Paul’s Media Pastoral Ministry. The views and opinions expressed in this blog are those of the author and does not necessarily reflect those of this blog page.

That in all things, God may be glorified!

Leave a comment