“HINDI TAYO KALILIMUTAN NG DIYOS” (Nobyembre 2, 2017)

Paggunita sa lahat ng mga pumanaw na Kristiyano (A – Biyoleta)

UNANG PAGBASA (2 Macabeo 12:43-46)

Naghandog si Judas ng apat na librang pilak bilang pantubos sa kasalanan ng mga yumao sa paniniwalang, sa pamamagitan nito, makakamit ng mga namatay ang kapatawaran ng kasalanan at muling pagkabuhay.

NOONG mga araw na iyon, nagpalikom si Judas, ang pinuno ng Israel, ng mga kaloob na umabot sa halagang apat na librang pilak at ipinadala sa Jerusalem upang ihandog na pantubos sa kasalanan. Ginawa ito ni Judas sapagkat naniniwala siya sa muling pagkabuhay ng mga patay. Kung hindi’y magiging kahangalan lamang ang ipanalangin pa ang mga namatay na. Dahil buo ang kanyang paniniwala na ang lahat ng namamatay na nanatiling sapat ay tatanggap ng dakilang gantimpala, ginawa niya ang paghahandog na iyon upang ang pagkakasala ng mga namatay na ito ay patawarin.

SALMONG TUGUNAN (Salmo 103)

T– Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan.

1. Kay ganda ng kalooban, mahabangin itong Diyos, kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos. Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway; di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan.

T- Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan.

2. Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya gayun siya nahahabag sa may takot sa kanya. Alam niya na alabok, yaong ating pinagmulan, alam niyang babalik din sa alabok kung mamatay.

T– Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan.

3. Ang buhay ng mga tao’y parang damo ang katulad sa parang ay lumalago na animo ay bulaklak; kapag ito’y nahanginan, nawawala’t nalalagas, nawawala mandin ito at hindi na namamalas.

T– Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan.

4. Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya’y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. Yaong magtatamo nito’y ang tapat sa kanyang tipan, at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan.

T– Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan.

IKALAWANG PAGBASA (Roma 8:31b-35, 37-39)

Naniniwala si San Pablo na walang makapaghihiwalay sa atin sa Diyos sapagkat si Kristo Hesus na muling nabuhay ang namamagitan sa atin sa Diyos Ama.

MGA KAPATID: Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa atin? Hindi niya ipinagkait ang sarili niyang Anak kundi ibinibigay para sa ating lahat. Kung naipagkaloob niya sa atin ang kanyang Anak, hindi ba niya ipagkakaloob sa atin ang lahat ng bagay, kasama ng kanyang Anak? Sino ang maghaharap ng sakdal laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? Sino nga ang hahatol ng kaparusahan? Si Kristo Hesus bang nasa kanan ng Diyos? Siya pa nga ang namatay at muling binuhay, at ngayo*y namamagitan para sa atin. Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Kristo? Ang paghihirap ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, o ang tabak? Hindi! Ang lahat ng ito’y kayang-kaya nating pagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos–pag- ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

ALELUYA (Mateo 25:34)

B: Aleluya! Aleluya!

Halina at inyong kamtan ang langit na kaharian pamana ng Amang mahal.

B: Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA (Juan 14:1-6)

NOONG panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayun, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano namin malalaman ang daan?” Sumagot si Hesus, Ako ang daan, ang katotohan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”

PAGNINILAY:

Totoong isang malungkot na karanasan ang kamatayan ngunit bahagi na ito ng buhay natin. Dito nagkakapantay-pantay ang Iahat. Ito ang ating huling hantungan. Subalit ang pinakamasaklap na maaaring mangyari sa isang tao ay ang makalimutan siya ng ibang tao, Ialo na ng kanyang mga mahal sa buhay, matapos siyang pumanaw. Matapos ang ating mahabang pamumuhay sa mundong ibabaw, masakit isipin na makakalimutan Iang din tayo ng ibang tao.

Bakit nga ba natin ginugunita ang ating mga minamahal na kapatid na pumanaw? Isang paalala ito sa ating mga Kristiyano na hindi unti-unting paglimot ang kamatayan bagkus isa itong pag-aalala. Ang kamatayan ay hamon sa atin na alalahanin kung paano ipinakikita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan ng buhay na kanyang ipinagkaloob.

Alalahanin natin ang mabubuting bagay na naipamalas ng ating mga mahal na yumao. Alalahanin nating naging daluyan sila ng biyaya ng Diyos noong nabubuhay pa sila. At ngayong sila’y pumanaw na, hindi tumitigil ang pag-iral ng pagmamahal ng Diyos. Sabi nga ni San Pablo sa mga taga-Roma, Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig.” Sa ating pag-alala sa mga mabubuting bagay na ipinaranas sa atin ng ating mga mahal na yumao, tanging pagpapasalamat Iang ang ating masasambit. Sa pagpapasalamat natin sa Diyos, patuloy rin niya tayong bibigyan ng inspirasyong mabuhay nang naaayon sa kanyang pag-ibig.

Alalahanin natin angating mga mahal na yumao sa ating mga panalangin. Alam nating mahina siIa at nagkasala rin kagaya natin. Ito ang dahilan kung bakit natin sila kailangan alalahanin sa ating mga panalangin. Dudulog tayo sa maawain at mahabaging Diyos upang patawarin niya ang ating mga mahal na yumao sa mga kasalanang dulot ng kanilang mga kahinaan at pagkukulang. Nananalangin tayo sa Diyos para sa ikahihilom ng anumang sakit at sugat na naidulot sa atin ng kahinaaan ng ating mga yumao. Ganito ang karanasan ni Judas Macabeo sa ating Unang Pagbasa: naghandog siya sa Diyos para sa ikapagpapatawad ng kanyang mga pumanaw na kasamahan.

Maaaring makalimutan natin ang ating mga mahal na yumao dala ng ating pagiging abala sa mundong ito. Maaaring mawaglit sa ating kamalayan na minsan sa ating buhay, mayroong mga taong nagpamalas sa atin ng kabutihan ng Diyos. Maaaring makalimutan natin ang mga mahal nating yumao ngunit tandaan nating hinding-hindi tayo kalilimutan ng Diyos. Inialay ng ating Panginoong Hesus ang kanyang buhay upang makapagkamit tayong lahat ng buhay na walang hanggan. Ito ang dahilan kung bakit niya nasambit sa ating Ebanghelyo ngayon, “Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan.” Hindi tayo kalilimutan ng Diyos sapagkat lubos ang kanyang pagmamahal sa atin. Hindi tayo kalilimutan ng Diyos, maging sa ating kamatayan, dahil ibig niyang tayo’y humantong sa langit na gaya ng kanyang ipinangangako sa atin. Sa katotohanang ito ng ating pananampalataya ipinaaalala sa atin ni Hesus, Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin.” Sa ating paggunita sa lahat ng mga yumao, panghawakan natin ang pag-asang dulot ng pag-ibig at awa ng ating Panginoong Diyos kahit pa sa kamatayan.

The Mass Readings and Reflections by Fr. Franz Joseph G. Aquino were taken from the November 2, 2017 edition of Sambuhay Missalette, printed in the Philippines by St. Paul’s Media Pastoral Ministry.

 

Leave a comment